DFA Officials, gigisahin ng Kamara sa isyu ng multi-milyong sahod

MANILA, Philippines, August 4 (Eagle News) — Pinagpapaliwanag ng isang mambabatas ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa nabunyag na multi-milyong pisong sahod ng ilan nitong mga opisyal na natanggap noong isang taon.

Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na paggigiit ng DFA na kapos sila sa budget para ayudahan ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na nasa ibang bansa.

Binatikos ni Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan ang DFA sa pagbibigay sa labintatlo nilang Ambassadors ng kabuuang 138.25 milyon pesos na halaga ng sweldo, allowances at bonuses noong isang taon.

Binaggit ni Iligan na pito sa Foreign Affairs Officials ay kabilang sa Top 10 highest paid government officials noong 2014. (Eagle News Service)

 

https://youtu.be/TevA_5GMtyk