DFA, patuloy ang gagawing monitoring sa West PHL Sea; hindi isasapubliko ang bawat hakbang

(Eagle News) — Patuloy namang i-momonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang anumang developments sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng napaulat na paglapag ng China ng H-6K bomber aircraft sa man-made islands sa pinag-aagawang teritoryo.

Pero ayon sa DFA, hindi isasa-publiko ng gobyerno ng Pilipinas ang bawat hakbang na gagawin kaugnay sa diplomatic row.

“While appropriate language, whether expressions of condemnation or concern, over certain developments are clearly conveyed through diplomatic channels, it is not our policy to publicize every action taken by the Philippine government whenever there are reported developments taking place in the West Philippine Sea and the South China Sea,” pahayag ng ahensya.

Pagtitiyak naman ng ahensya, gagawin nila ang lahat para ma-protektahan ang teritoryong pag-aari ng bansa na mayroong soberanya ang Pilipinas.

Una nang sinabi ng DFA, na katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay gumagawa na sila ng naaayon na diplomatic action para ma-protektahan ang mga teritoryong pag-aari ng bansa.

Related Post

This website uses cookies.