MANILA, Philippines (Eagle News) — Nais ni Department of the Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año ang mas mabigat na parusa sa mga pulis na masangkot sa iligal na droga.
Giit ni Año, nararapat lamang ang magpataw ng kaparusahan dahil sa paglabag sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Kaugnay nito, hinikayat niya ang180,000 pulis na nahaharap sa kaso na magbago.
Aminado ito na talagang mahihirapan ang Philippine National Police (PNP) para tuluyang mabawi ang kanilang masamang imahe sa mga tao.