DILG, nagbabala laban sa mga nanghihingi ng donasyon para sa Marawi evacuees

(Eagle News) – Muling nagbabala ang Department of the Interior and Local Government laban sa mga nanghihingi ng donasyon para umano sa mga evacuee ng Marawi City.

Ginawa ni DILG officer-in-charge Catalino Cuy ang pahayag matapos makarating sa kanila na nagpapatuloy pa rin ang mga ganitong ilegal na gawain.

Babala ni Cuy sa mga ito, kumikilos na ang mga IT expert ng Philippine National Police (PNP) para matukoy kung sinu-sino ang mga ito.

Batay sa nakarating na ulat sa opisyal, mayroon umanong mga ginagamit pa ang pangalan ng DILG o kanilang mga tauhan at nanghihingi ng mga cash donation para sa Marawi evacuees.

Umapela rin si Cuy sa mga lokal na pamahalaan na tumulong sa imbestigasyon hinggil rito.

Hinikayat naman ni Cuy ang mga nabiktima ng nasabing scam na magtungo sa pinakamalapit na DILG office o sa PNP o di kaya’y tumawag sa (02) 722-8116 o sa pamamagitan ng PNP trunk line (02) 7230401 local 3421 o 3381.

(Eagle News Service)

 

 

Related Post

This website uses cookies.