DILG, nagbabala ukol sa mga barangay checkpoint

 

Ni Jaime David
Eagle News Service

(Eagle News) – Sa kabila ng pasya ng Department of Interior and Local Government na alisin na ang mga barangay tanod sa mga checkpoint, national highway man o sa mga barangay, may ilang mga barangay sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija na natagpuang hindi pa nagtanggal ng kanilang barikada nitong Abril 1. May ilan pang barangay tanod ang nakaduty na ayon sa kanila ay pinagluto raw sila ng kanilang barangay chairman.

Ang rason kung bakit tatanggalin na ang mga barangay tanod sa mga checkpoint, sila daw ang humaharang sa mga food lane truck ng matagal na syang sanhi ng pagbagal kung saan dapat ito madeliver. Kung mayroon mang mag-du-duty sa mga checkpoint na mga tanod, ito ay isusupervise ng mga pulis at mga sundalo para maging maayos ito.

Ayon pa sa DILG, dapat alisin na rin sa mga barangay ang itinambak na nga buhangin at barikada papasok sa kanilang mga barangay, at ipull-out na ang mga tanod na nakaduty.