DILG sa LGUs: Makiisa sa Earth Hour sa Marso 24

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) sa bansa at sa publiko na makiisa sa isasagawang Earth Hour 2018.

Ang Earth Hour ay isasagawa sa Sabado, Marso 24 mula 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi.

Ayon kay DILG Officer in Charge Eduardo Año, bilang mga lider sa kani-kanilang komunidad ay kinakailangan nilang ipakita sa kanilang mga nasasakupan ang pangangalaga sa kalikasan.

Sa pamamagitan aniya ng simpleng aksyon ay makatutulong ang lahat sa pagbawas ng carbon emissions at maibsan ang epekto ng climate change.

Kaugnay nito, naglabas ng Memorandum Circular No. 2018-22 ang DILG na inaatasan ang mga LGU na i-switch off ang kanilang mga ilaw kabilang ang streetlights, signages at mga monumento sa pampublikong lugar sa isasagawang Earth Hour.

Iglesia Ni Cristo, makikiisa sa Earth Hour

Samantala, suportado at kaisa ang Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang kapatid na Eduardo V. Manalo sa isasagawang Earth Hour.

Ang Earth Hour ay isang pang-buong mundong event na inorganisa ng World Wildlife Fund for Nature o WWF.

Layon ng Earth Hour na maglaan ng oras para i-switch off ang non-essential lights na nagpapakita ng pakikiisa sa paglaban sa climate change.

 

Related Post

This website uses cookies.