Ang kailangan ng publiko ay pansamantalang solusyon at hindi mga alibi o rason sa pagkakaroon ng problema. Kaya nag-lagay ang presidente ng pinuno sa ahensiyang ito para mangasiwa at ibigay ang tamang serbisyo.
Sa ilalim ng House Resolution no. 909 na inihain ni Valenzuela Representative Sherwin Gatchalian, hiniling nito ang pagkakaroon ng inquiry patungkol sa umano’y mismanagement sa operasyon ng NAIA.
Hiniling din ng mambabatas sa Department of Transportation and Communications o DOTC at Department of Tourism o DOT na gumawa ng paraan para mabura ang ganitong label sa Pilipinas.