Sa paghahanap ng pamahalaan ng solusyon sa mga suliranin at sa mahigit apat na dekada nang kaguluhan sa Mindanao, nakita ng gobyerno ang tugon para sa ganap na kapayapaan sa rehiyon na ang susi umano ay ang Bangsamoro Basic Law o BBL. Ang BBL ay nagbibigay ng karapatan na magkaroon ng sariling awtonomiya ang mga taga Mindanao. Ngunit marami ang walang ideya o duda pa sa panukalang ito. Sa episode na ito ating hihimayin at lilinawin pa ang mga probisyong nakapaloob sa Bangsamoro Basic Law.