Diskusyon – Dagdag Pasahe sa MRT at LRT, Hinihiling na Ipahinto sa SC

Enero 4 ng bagong taon, biglang taas ng singil sa pasahe sa MRT at LRT ang bumulaga sa publiko. Sa ipinatupad na fare adjustment rate, ang end-to-end trip sa MRT 3 ay nasa 28 pesos na ang pasahe mula sa dating 15 pesos. Tumaas naman sa 30 pesos mula sa dating 20 pesos ang pasahe sa LRT-1 o mula Baclaran hanggang Roosevelt. At 25 pesos naman ang bagong fare rate sa LRT-2 mula sa dating 15 pesos. Partikular na apektado nito ang mga mananakay ng nasabing mass transit. Kaya naman, kaliwa’t-kanang protesta agad ang sumalubong dito. Naninindigan naman ang Department of Transportation and Communications na kailangan nang taasan ang pasahe sa MRT at LRT para na rin sa maayos na serbisyo ng tren.

Related Post

This website uses cookies.