Muli na namang uminit ang panawagan na bawiin na ng DOTC ang ipinataw na dagdag singil sa pasahe sa MRT at LRT. Sunod-sunod na naman kasi ang naging aberya sa MRT. Maraming pasahero ang naantala at ang ilan naman ay nasugatan. Ito’y sa kabila ng sinasabing pagsasaayos o rehabilitasyon para sa MRT at LRT.
Ayon kay Riles Network Spokesperson Sammy Malunes, dapat aksyunan na ng Supreme Court ang inihain nilang petisyon kontra MRT at LRT fare hike noong Enero a-singko. Malinaw anya na iligal ang taas pasahe. Dahil hindi nagsagawa DOTC ng konsultasyon ukol dito bago ipinatupad kaya dapat daw agad itong pigilin ng Korte Suprema. Muli namang sumugod sa Korte Suprema ang isang commuters’ group para hilinging magpalabas na ang hukuman ng TRO para ipahinto ang dagdag pasahe sa MRT at LRT.