Diskusyon – Sen. Teofisto “TG” Guingona III Truth Commission

Halos dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyaring sagupaan ng pwersa ng Philippine National Police- Special Action Force laban sa Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano, Maguindanao . Ngunit hanggang sa ngayon, maraming tanong pa rin ang walang kasagutan. May mga nagsasabi kasi na ito ay planado na pagmasaker, giit naman ng MILF at BIFF, ito raw ay isang misencounter at ibat-iba pang ispekulasyon.

Kaya naman bumuo na ng Board of Inquiry ang Philippine National Police. Subalit bukod dito, pinanukala na rin ang pagbuo ng Mamasapano Truth Commission, isa umanong independent body na naglalayong magbigay linaw kung ano ang katotohanan sa dumaraming tanong ng bayan tungkol sa nangyari sa ating tinaguriang Fallen 44.

This website uses cookies.