MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na bigyan ng diskwento sa pasahe ng lahat ng mga public utility operators at drivers ang persons with disabilities.
Batay sa inilabas na memorandum circular ng ahensya, marapat na pagkalooban ang PWDs ng 20 porsyentong fare discount sa mga public utility vehicle tulad ng jeepney, bus, taxi, UV express at maging Transport Network Vehicles Service.
Kailangan lamang ipakita ng PWDs ang kanilang identification card na inisyu ng National Council on the Welfare of Disabled Persons kapag sila ay magbabayad ng pamasahe.
Papatawan ng parusa ang sinomang lalabag sa nasabing kautusan.