Dedesisyunan na ngayong araw ng mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal o SET ang disqualification case laban kay Presidential Candidate Senator Grace Poe.
Kaugnay nito, sinabi ni Poe na tao lang naman siya kaya kinakabahan at nalulungkot, pero may lakas naman daw siya ng loob na harapin anuman ang maging desisyon ng SET.
Kung hindi man aniya siya manalo sa kaso sa SET, iaapela niya ito sa Korte Suprema.
Iginiit ni Poe na hindi siya basta susuko dahil hindi lang ang kanyang sarili ang ipinaglalaban dito kung hindi ang karapatan at kapakanan ng mga batang ampon o foundling.
Nais ni Poe na maresolba na ang kanyang kaso para malaman kung matutuloy ang kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2016 elections.