Distrito ng Camarines Norte, handa na sa isasagawang Dakilang Pamamahayag; mga lokal, nagsagawa iba’t ibang gawain patungkol sa malaking aktibidad

Distrito ng Camarines Norte, handa na sa isasagawang Dakilang Pamamahayag; mga lokal, nagsagawa iba't ibang gawain patungkol sa malaking aktibidad

Daet, Camarines Norte (Eagle News) – Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng mga kaanib sa bawat lokal sa Distrito ng Camarines Norte kaugnay ng Dakilang Pamamahayag na isasagawa sa Mayo 22, 2016 na pangangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo, na may temang “Reconnect”.

Ang naturang aktibidad ay isasagawa sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan na siyang host-site at masasaksihan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng videolink.

Layunin ng aktibidad na maipaabot sa maraming tao saanman sa buong mundo ang mga aral ng Diyos at mabigyan ng pagkakataon na maligtas.

Sa lalawigan ng Camarines Norte, nauna nang isinagawa nitong mga nakaraang araw ang mga motorcades ng ilang mga lokal, pag-aanyaya sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, at ang isinagawang pamamahagi ng polyeto.

Abalang-abala na rin ang mga pagdarausan ng pamamahayag sa Camarines Norte sa paghahanda ng mga lokal tulad ng paglalagay ng mga tents, upuan, projector screen, at internet connection.

Inaasahan namang libo-libo ang bisitang aasahan sa lahat ng dako ng pamamahayag sa lalawigan dahil na rin pagpupursige ng mga kaanib na matupad ang mahalagang layunin na ito ng pamamahala ng Iglesia Ni Cristo.

Ang Distrito ng Camarines Norte ay mayroong 18 sites na kinabibilangan ng mga Lokal ng Alawihao, Alayao, Basud, Bagong Silang, Borabod, Capalonga, Daculang Bolo, Daet, Guisican Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta. Elena, Talisay, Tulay na Lupa, at Vinzons.