DJs ng Pinas FM 95.5 na sina Aikee at Davey Langit, humakot ng mga parangal

PINAS FM 95.5 DJs na sina Davey Langit at “Aikee” na nagkamit ng mga parangal. (Eagle News Service)

 

(Eagle News) — Nagwagi kamakailan ng mga parangal ang dalawang DJs ng Pinas FM 95.5, ang FM radio station ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC), ang rapper-composer na si Michael “Aikee” Aplacador, lalong kilala bilang DJ Aikee, at ang singer-songwriter-composer na si Davey Langit

Pumangatlo ang entry ni DJ Aikee na pinamagatang “Extension” sa katatapos lang na Himig Handog 2017 songwriting competition. Ang awit na ito ay sariling komposisyon ni DJ Aikee. Siya mismo ang nag-rap sa kanyang entry na ito, at si Iñigo Pascual naman ang umawit nito.

Nasungkit naman ni Davey Langit, sa pamamagitan ng kanyang komposisyon, ang awit na “Dalawang Letra” na pinerform ng grupong “Itchyworms” ang dalawang parangal nitong nakaraang 30th Awit Awards. Nagwagi ito bilang “Best Performance by a Group Recording Artist” at bilang “Record of the Year.”

Nitong 2016, nagwagi rin ang “Dalawang Letra” sa Himig Handog P-pop Love Song.

Related Post

This website uses cookies.