DOE: Singil sa kuryente, tataas sa darating na taon

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinagpauna na ng Department of Enegy (DOE) ang nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente sa susunod na taon dahil sa “Maintenance Shutdown” na ipatutupad ng malampaya gas-to-power facility.

Ayon sa DOE, aabutin ng piso bawat kilowatt-hour ang magiging dagdag sa electricity bills ng mga consumers.

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang piso kada kilowatt hour (kwh) na dagdag-singil ay ipapatong sa generation cost batay sa Manila Electric Company (Meralco) price simulation estimates.

Dahil dito, ang pagtaaas ng presyo sa singil ng kuryente ay mararamdaman ng bawat sambahayan sa darating na Marso 2017.

Nakatakdang magsagawa ng Maintenance Shutdown ang Malampaya sa darating na January 28 hanggang February 16, 2017. Ang pansamantalang pagsasara ng malampaya ay magbubunga ng power supply deficit na aabot sa 700 megawatts

Related Post

This website uses cookies.