(Eagle News) – Tiniyak ng Department of Health na handa ang kanilang medical teams, logistics at mga gamot para sa mga biktima ng engkwentro ng militar at Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, nakahanda ang mga ospital na tumanggap ng mga pasyenteng mula sa komunidad sa Amai Pakpak Medical Center.
Naka-stand-by na rin ang mental at psycho-social debriefing team.