DOH, nagbabala kaugnay sa pag-inom ng antibiotics nang walang prescription ng doktor

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng pagsasagawa ng self–medication at pag-inom ng mga antibiotics nang walang prescription mula sa doktor.

Alinsunod ito sa pinirmahang kasunduan ng Pilipinas sa Anti-Microbal Resistance (AMR) sa katatapos na 31st ASEAN Summit sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, inilunsad nila ang national antibiotic guidelines para magbigay ng karagdagang kaalaman sa paggamit o pag-inom ng mga antibiotic.

Babala ni Duque, may malaking implikasyon sa kalagayan at kalusugan ng isang may sakit ang basta-bastang pag-inom ng antibiotics nang walang prescriptions mula sa mga doktor dahil mas nagkakaroon ng impeksyon.

Dagdag ni Duque, nagkakaroon din ng antibiotic resistance o kawalan ng epekto ng antibiotic laban sa mga mikrobyo sa katawan ang basta- bastang pag-inom ng antibiotics.

Related Post

This website uses cookies.