DOH nagbigay ng ilang tips para makaiwas sa mga sakit na dulot ng mga pag-ulan at pagbaha

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Nagbabala ang Department of Health sa publiko laban sa mga sakit ngayong tag-ulan, kasunod ng naranasang pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa DOH, ilan sa mga sakit na nakukuha sa tubig-baha ay ang diarrhea, dermatitis, conjunctivitis, leptospirosis, dengue at iba pang waterborne diseases.

Sinabi ni Health Asst. Sec. Eric Tayag na ang mga waterborne diseases at respiratory diseases ay maiiwasan naman  kung vigilante lamang at marunong mangalaga ng sarili ang mga mamamayan.

Pinayuhan ng DOH ang mga residente mula sa nabahang lugar na magpakulo muna ng inuming tubig para iwas din sa cholera at diarrhea.

Mainam din aniya ang paglalagay ng dalawang patak ng unscented liquid bleach sa isang litro ng malinis na tubig.

Ayon sa DOH, maghintay ng 30 minuto bago ito gamitin.

 

Willson Palima – Eagle News Correspondent, Laguna

https://www.youtube.com/watch?v=q3EPwbAa6H8&feature=youtu.be