Eagle News — Nakaantabay na ang Department of Health (DOH) para magbigay ng tulong sa mga residente na inilkas at nasa Evecuation centerna naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Lawin.
Ayon pa kay DOH secretary Eric Tayag, sa oras na gumanda na ang sitwasyon ay nakahanda na ang mga gamut na kanila bibigay sa mga evacuee.
Bukod sa gamut magdadala din ang kanilang response team ng water purifier para masiguro na ligtas ang inuming tubig sa mga evacuation centers, aniya sisiguraduhin din nilang madala sa pagamutan ang mga buntis na kabuwanan na at mabigyan ng gamut ang mga matatanda at mga batang wala pang tatlong taon.
Dagdag pa ni Dr. Tarag, na nakared alert di ang lahat ng mga hospital sa mga lugar na tinamaan ni Bagyong Lawin kung saan magdamagang ding nakaantabay ang mga ito para magbigay ng serbisyo sa mga nangangailangan.
https://youtu.be/i2Z6WaZkGus