DOH, naniniwalang malaki ang maitutulong ng Iglesia Ni Cristo sa mga sumasailalim sa drug rehab

MOA ng Iglesia Ni Cristo at DOH para matulungan ang drug surrenderees, nilagdaan

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Pumirma sa isang memorandum of agreement ang Iglesia Ni Cristo at Department of Health. Layunin ng memorandum of agreement na matulungan  at mahikayat ang mga illegal drugs surrenderee na huwag nang bumalik sa paggamit ng droga.

Lumagda sa kasunduan sina INC General Secretary Brother Radel Cortez at Dr. Elmer Punzalan, Assistant Department Secretary and Head of the Task Force Mega-Rehab Program ng DOH.

DOH, hiniling  sa Iglesia Ni Cristo na tulungan ang drug surrenderees

Kaugnay ito ng paghingi ng tulong ng Department of Health sa Iglesia Ni Cristo na matulungan  ang illegal drugs surrenderee hindi lamang para sa maayos na kalusugan  ng pamilyang pilipino kundi sa pangangalaga ng pamilya at sa kapakanang espiritwal ng mga mamamayan.

Sa ilalim ng memorandum of agreement, pinapayagan ng DOH ang Iglesia Ni Cristo na pumasok sa mga rehabilitation center upang magsagawa ng Bible study at iba pang religious activities. Gayundin, magsasagawa ang INC ng socio-civic activities kagaya ng pagtuturong bumasa at sumulat, programang  pangkabuhayan, pangkalusagan at iba pang programa at aktibidad na may kaugnayan dito para sa benepisyo ng mga pasyente at mga empleyado.

Ayon kay Dr. Elmer Punzalan, karamihan ng mga nare-rehab ay walang mapuntahan at ang solusyon ay ang bumalik sa paggamit ng droga.

DOH, naniniwalang malaki ang maitutulong ng Iglesia Ni Cristo sa mga sumasailalim sa drug rehab

Naniniwala ang DOH na malaki ang maitutulong ng Iglesia Ni Cristo sa mga isinasailalim sa rahabilitasyon para sila ay matulungang makapagbagong-buhay, matuto sa pagsunod sa batas at maging mabuting mamamayan.

Iglesia Ni Cristo, suportado ang panawagan ng DOH

Nakahanda namang sumuporta ang Iglesia Ni Cristo sa panawagang ito ng DOH.

Eagle News Service