DOH pinag-iingat ang publiko sa mga pagkaing madaling mapanis ngayong summer

Photo courtesy ofDepartment of Health Facebook page.

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga pagkaing madaling mapanis dahil sa matinding init na dala ng summer.

“Keep food warm kung siya ay nilutong mainit, and keep food cold kung siya naman ay hinanda na dapat malamig sapagkat dito ngayon magiging panganib ang kontaminasyon,” pahayag ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag.

Sinabi pa nito na kailangang tiyakin ng mga mamimili na sariwa ang mga pagkain na kanilang binibili at inihahanda.

“Kung karne ‘yan, walang pink parts. So kung may pink parts ka roon, hilaw ‘yon,” dagdag pa ni Tayag.

Ayon sa kanya, di umano ay mas mabilis masira ang mga pagkaing katulad ng kanin, pasta, iba pa na may halong gatas o mantikilya at sa mga pagkaing may sarsa.

Ang mga nilutong pagkain naman ay hindi maaring isama sa mga hilaw upang maiwasan ang cross-contamination.

Bukod pa dito, sinabi ni Tayag na mas mainam na ubusin na lamang kaagad ang mga pagkaing niluto o kaya naman ay maghanda lamang ng sapat na dami ng pagkaing lulutuin upang huwag itong masira.

“Kung may tirang pagkain ay mas maigi kung ipasok ito sa loob ng refrigerator upang hindi agad na mapanis,” pagpapatuloy ni Tayag.

Related Post

This website uses cookies.