DOH posibleng ideklara na rin ang measles outbreak sa Region 2

(Eagle News) — Posibleng magdeklara na rin ng measles outbreak ang Department of Health (DOH) ang sa Region 2 kasunod ng paglobo sa 578 percent ng kaso ng tigdas sa nasabing rehiyon ngayong Pebrero.

Ayon sa DOH, ang mga lalawigan ng Cagayan at Isabela ang higit na magiging apektado kung magpapatuloy sa pagdami ang mga pasyente na may kaso ng tigdas sa kabila ng isinagawang mass vaccination.

Ang Region 2 ay binubuo ng mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino.

Samantala, bumaba na sa 263 ang bilang ng mga pasyente na may tigdas sa San Lazaro Hospital, 100 kaso na mas mababa kumpara noong nakaraang linggo.

Ikinatuwa naman ng ahensya ang pagdami nang mga magulang na nagdadala ng kanilang mga anak sa mga health center para mabakunahan kontra tigdas.

Patuloy namang nagpapaalala ang DOH sa publiko na kung makikitaan ng senyales na sila na ay tinamaan ng tigdas ay agad na isugod agad sa mga ospital para mabigyan ng paunang lunas.

Related Post

This website uses cookies.