(Eagle News) — Pinaalalahanan ni Health Secretary Paulyn Ubial ang mga motorista na ugaliin ang pagsunod sa road safety rules lalo na at kabi-kabila ang aksidente ngayong tag-init.
Sinabi ni Ubial na madaling maagapan ang mga aksidente sa kalsada kung disiplanado at sumusunod sa batas trapiko ang mga motorista. Aniya, napapansin nito ang pagka-counter-flow, pag-labag sa traffic lights, at hindi pag-intindi sa mga warning sign na maaring maging sanhi ng disgrasya.
Sa isang pag-aaral, tatlong porsiyento ang nadaragdag sa mga sugatan sa banggaan ng kotse, limang porsyento naman ang nanganganib na maaksidente sa bawat paglakas ng pagtakbo nito.
Inilabas ito ng Department of Helath nang makaraang mamatay sa aksidente ang isang doktor sa Baguio City.
https://youtu.be/9skiCQYlewQ