MANILA, Philippines (Eagle News) — Muling nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa pagkain ng street food partikular ngayong summer season.
Ito ay dahil kalimitang madaling ma-kontamina ang mga pagkain sa tabi ng daanan.
Isang halimbawa na ang pag-dapo ng mga langaw na maaaring pagmulan ng e-coli infection, typhoid fever at hepatitis.
Samantala, upang maiwasan ang sakit sa sikmura hindi dapat patagalin ang pagkain bago kainin dahil maaaring mapanis agad dahil sa init.
Payo ng DOH, initin muna ang pagkain sa microwave, gawing tama ang paghahanda ng mga ito at iwanan sa tamang temperatura.