DOH sa publiko : Maging handa sa “WILD” diseases ngayong tag-ulan

(Eagle News) — Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging mapag-bantay sa “WILD” diseases ngayong tag-ulan.

Ang kahulugan ng “WILD” diseases ay Water-borne disease, Influenza, Leptos-Pirosis at Dengue.

Kabilang sa mga proteksyon na maaaring gawin ay ang paglalagay ng chlorine tablets sa inuming tubig, ang pag-iwas sa paglusong sa baha, at ang pag-suot ng bota at mga damit na may mahabang manggas.

Dapat ding kumonsulta agad sa doktor kapag may napansing sintomas ng WILD diseases.

Handa na ang health centers ng DOH para sa mga ganitong kaso at nagkakaloob din ng bakuna para sa influenza at pneumonia sa senior citizens.

Related Post

This website uses cookies.