MANILA, Philippines (Eagle News) — Inilabas na ng Department of Justice (DOJ) ang kautusan para sa paglikha ng task force na magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagsabog sa Davao City.
Sa Department Order 585 ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre inatasan ang mga piling tauhan ng DOJ at National Bureau Investigation (NBI) na makipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies ng gobyerno na nag-iimbestiga sa Davao bombing noong September 2.
Ang task force ay binubuo nina Regional Prosecutor Janet Grace Fabrero ng Region 11, Davao City Prosecutor Nestor Ledesma at Atty. Arnold Rosales- Hepe ng NBI sa southern Mindanao.
Pinagsusumite sila ng periodic report kay Justice Undersecretary Antonio Kho Jr.
Layon ng DOJ-NBI task force na makakalap ng mga ebidensya sa nangyaring pagsabog at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
https://youtu.be/jlabEFvFfiY