(Eagle News) — Plano ng Department of Justice (DOJ) na humingi ng tulong sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa isinasagawa nilang imbestigasyon kaugnay ng milyon-milyong piso na naideposito sa limang bank accounts na sinasabing may kaugnayan kay Sen. Leila de Lima.
Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na dahil aniya sa bank secrecy law ay hindi nila basta mabubusisi ang bank deposit slips na naglalaman ng kabuuang P88 million na umano’y idineposito ng mga tauhan ni De Lima. Dahil dito, inaasahan umano nila ang tulong ng AMLC.
Paliwanag pa ni Aguirre, gagawin nila ang lahat ng legal na paraan upang lumabas ang katotohanan kaugnay ng naturang deposit slips.