MANILa, Philippines (Eagle News) — Nilinaw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mayroong hurisdiksyon ang Department of Justice (DOJ) para resolbahin ang isinampa reklamong drug trafficking laban kay Senadora Leila De Lima.
Ito ay kaugnay ng pahayag ni De Lima na dapat sa Office of the Ombudsman inihain ang kaso dahil ito ang may mandato na imbestigahan at usigin ang mga nagkakasalang opisyal at kawani ng pamahalaan.
Ayon kay Aguirre, alinsunod sa mga batas at jurisprudence, parehong may hurisdiksyon ang DOJ at Ombudsman sa mga kaso laban sa government officials.
May obligasyon din aniya ang DOJ na dingging ang mga isinasampang reklamo sa kagawaran.
Pina-alala ni Aguirre kay De Lima na nang ito ang Kalihim ng DOJ ay ito mismo ang nagsulong ng imbestigasyon at pagsasampa ng kaso kaugnay sa mga sangkot sa pork barrel scam.