(Eagle News) — Nagpalabas ang Department of Justice (DOJ) ng subpoena laban sa international singer na si Chris Brown para dumalo sa pagdinig sa reklamong estafa na inihain laban sa kanya.
Si Brown at ang kanyang Canadian promoter na si John Michael Pio Roda ay pinahaharap ng DOJ sa unang araw ng preliminary investigation sa Biyernes, July 31.
Pinapayagan naman ng piskalya na makadalo ang kinatawan ng dalawang respondent.
Ang reklamo laban kina Brown at Roda ay isinampa ng Maligaya Development Corporation dahil sa hindi pagsipot ng singer sa concert sa Philippine Arena noong December 31, 2014, kahit nabayaran na ito ng mahigit isang milyong dolyar.