DOJ, pipigilan ang pagdalo ni De Lima sa Senate hearing ukol sa death penalty bill

Hahadlangan ng Department of Justice ang anumang hakbang upang makadalo si Senadora Leila De Lima sa pagdinig ng Senado ukol sa death penalty bill.

Sinabi ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II, limitado lamang ang mga karapatan at pribelihiyo nito dahil nakakulong ito.

Una nang iginiit ni De Lima noong mga nakaraang linggo na hangad niyang makadalo sa mga deliberasyon sa ilang mahahalagang panukala dahil trabaho umano niya ito bilang mambabatas kahit pa siya ay nakakulong.

Nagpahayag din kamakailan ang mga liberal party senators na hihiling sila sa korte na payagan ang Senadora na dumalo sa mga sesyon at committee hearings lalo na sa malalaki at importanteng legislative agenda.

Related Post

This website uses cookies.