DOLE, ipapatupad ang bagong kautusan vs ENDO at Contractualization

MANILA, Philippines (Eagle News) — Sisimulan nang ipatupad sa susunod na taon ang bagong kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbabawal sa ENDO o end of contract at contractualization.

Sa bagong department order, tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello the third ang commitment ng pamahalaan na wakasan ang ENDO sa mga kumpanya partikular na ang subcontracting ng mga empleyado.