(Eagle News) — Hinihimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga nawalan ng trabaho sa Boracay Island na hindi pa nakatatanggap ng kanilang anim na buwang compensation na magtungo sa pinakamalapit na regional office ng ahensya para kunin ang kanilang financial assistance.
Ayon kay DOLE USec Joel Maglunso, ang mga displaced worker ay bibigyan ng buwanang financial assistance na mahigit Php 4,200 pesos para sa maximum na anim na buwan.
Katumbas aniya ito ng kalahati ng umiiral na minimum wage sa Region 6.
Noong nakaraang buwan, sinabi ng ahensya na 20 percent pa lamang ng nasa 21,000 na displaced workers ang nakatanggap ng kanilang financial assistance magmula nang isara ang isla noong Abril para bigyang daan ang rehabilitasyon nito. (Aily Millo)
https://youtu.be/TdchWryX7dg