DOLE, tuluy-tuloy ang pagtulong sa mga OFW na naantala ang pag-alis dahil sa bagyong Ompong

(Eagle News) — Tuluy-tuloy ang pagtulong na ginagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Overseas Filpino Worker (OFWs) na naapektuhan ng bagyong Ompong.

Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, medyo naantala lamang ang pagbibigay ng tulong sa Isabela province dahil sa panghihimasok ng ilan na nais manggulo sa pagbibigay ng assistance.

Pero nilinaw ng kalihim na itinuloy na muli ang pagbibigay ng tulong sa OFWs sa Region 1, 2, 3 at Quezon Province o Region 4 na naantala ang pag-alis dahil sa bagyo.

At ito ay makukuha sa mga tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa nasabing mga rehiyon.

“Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng financial assistance sa mga OFW sa Regions 1, 2, 3, 4 at Quezon, ito yung mga apektado ng bagyong Ompong. Meron kaming mga OWWA offices sa lahat ng probinsya ng Regions 1, 2, 3, 4 at Quezon,” pahayag ni Bello.

https://youtu.be/k2pYZDxoV4g