(Eagle News) — Muling magsasagawa ng nationwide earthquake drill ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) sa darating na Huwebes, Pebrero 21.
Ang unang quarter ng nationwide simultaneous earthquake drill ay isasagawa sa ganap na alas dos ng hapon (2:00 PM).
Kaya naman inaanyayahan ang lahat na makiisa sa earthquake drill at sabay-sabay na mag-duck, cover and hold pagsapit ng nabanggit na oras.
Layon ng kasanayan na masukat ang kahandaan at masubukan ang response at recovery plans sakaling tumama ang malakas na lindol.
Sabi ni DOST Undersecretary Renato Solidum Jr., umaasa sila na mahihiyakat ng aktibidad ang publiko na mapagbuti ang disaster resilience.
Muli ring inulit ng pamahalaan na dapat ay maging handa ang publiko para sa “The Big One” dahil matagal nang hinog ang west valley fault na posibleng gumalaw anumang oras.