“Double dead” na karneng nagkakahalagang P90,000, nasabat sa Maynila

(Eagle News) — Nasabat ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board ang aabot sa kalahating toneladang karne ng baka at baboy, o nagkakahalaga ng P90,000, na pinaghihinalaang botcha sa Recto Ave. kaninang madaling araw.

Hindi nila naabutan ang mga nagbebenta ng karne, pero naiwanan naman ang mga bayong ng mga hinihinalang  double dead na karne.

Ayon sa board, dapat ay dumaan sa masusing pag-inspeksyon  ang mga karne na ibinebenta sa palengke upang masiguro na ligtas itong kainin.

Kahit na may karampatang papeles mula sa National Meat Inspection Service ay kanila pa rin nilang kukumpiskahin diumano ang mga ito kapag napatunayang wala ito sa maayos na lalagyan.

Kapag napatunayang may paglabas ay maaaring makasuhan ang nagbebenta ng paglabag sa Meat Inspection Code ng Pilipinas at ng Food Safety Act.

Maaari ding pagkakakulong ng anim na buwan hanggang 12 taon, multa ng P100,000 ang magiging parusa sa mga lalabag. Earlo Bringas

 

This website uses cookies.