DPWH naglabas ng travel advisory sa mga impassable road sa Ilocos Region

Mga litrato ni Nora Dominguez, Eagle News Service

(Eagle News) — Naglabas ngayong araw, Hulyo 19, ng travel advisory ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng impassable areas sa mga pangunahing lansangan sa buong Region 1 o Ilocos Region.

Batay sa inilabas na travel advisory ng DPWH Region 1, passable lahat ng major thoroughfares maliban Alaminos-Bolinao Road na hindi madaanan ng kahit anong sasakyan dahil nasira ang paanan ng detour ng Gareta Bridge.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternative routes. Isa na dito ay sa Pangasinan-Zambales Road, mula Alaminos City ay tahakin ang left turn ng Burgos-Agno Road, turn left sa Bani-Agno Road at maaaring mag-exit sa Bani town proper para sa mga pauwi ng Bolinao at Anda.

Ayon pa sa travel advisory ng DPWH Region 1, ang Tagudin-Cervantes Road na matatagpuan sa Barangay Quinilaeon sa Suyo, Ilocos Sur ay one lane passable lamang.  Dahil naman sa major rock slides bunsod ng mga pag-ulan ay mga light vehicle pa lamang ang pinapayagang dumaan.

Sa kasalukuyan ay naroon na sa area ang mga heavy equipment ng DPWH para sa isinasagawang road clearing. Nora Dominguez

Related Post

This website uses cookies.