Driver at konduktor ng bus, tatanggap na ng fixed salary simula March 9 – NWPC

(Eagle News) — Tatanggap na ng fixed na sweldo ang mga driver at konduktor ng mga bus simula sa Marso 9.

Ayon sa National Wages And Productivity Commission (NWPC), dapat na magsimula na sa sa buwang ito ang bagong compensation scheme.

Posibleng matanggalan ng prangkisa ang kumpanya ng bus na lalabag sa fixed salary scheme.

Sa alituntunin ng NWPC, dapat ipatupad ng mga operator ng bus ang pay package para sa kanilang mga driver at konduktor base na rin sa kinikita ng kumpanya, ang ridership o bilang ng mga pasahero, safety record, kundisyon ng biyahe sa ruta nito at iba pang guidelines.

Ayon sa Commission, hindi dapat bumaba sa minimum ang sahod ng mga bus driver at konduktor batay sa rehiyon ng kanilang biyahe.

Base sa bagong rules, mayroon na ring overtime pay, night differential, service incentive leave, 13th month pay at iba pang benepisyo ang mga driver at konduktor ng bus.