Drop-in center ng Meycauayan, para sa mga batang street children, binuksan na

MEYCAUAYAN City, Bulacan (Eagle News) – Sa pagsisikap ng bagong Puno ng Lungsod ng Meycauayan,  Atty. Henry R. Villarica ay nabuksan na ang Drop-In Center na proyekto ng CSWDO mula pa noong 2012 para sa mga batang napupulot at street children.

Nagkaroon ng Soft Opening noong Agosto 10, 2016.  Isang malaking tagumpay sa loob pa lamang ng unang buwan niya sa panunungkulan ay nagawan na ito ng isang mabilis na pamamaraan at solusyon upang ito ay mabuksan. Dito pansamantalang dadalhin ang mga foundling at mga batang lansangan (street children) habang naghahanap ng institusyon na tatanggap sa kanila.

Itong tagumpay na ito ay bahagi sa pakikipag-tulungan ng Pangalawang Punong Lungsod Rafael “Jojo” Manzano Jr.’ at nang Sanguniang Panlungsod. Katuwang din dito ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan gaya ng City Social Welfare and Development Office, City General Services Office at Office the City Administrator.

Courtesy: Maine Amper

 

Related Post

This website uses cookies.