Drug awareness seminar isinagawa sa 16 na Barangay ng Angat, Bulacan

ANGAT, Bulacan (Eagle News) – Nilibot ni Angat Mayor Narding de Leon ang mga Barangay na kaniyang nasasakupan. Layunin nito ay upang makausap ang mga residente at paaalahanan sa masamang maidudulot ng ilegal na droga sa kanilang buhay at kalusugan. Hinikayat din ng alkalde ang kaniyang mga kababayan na huwag subukan ang droga. Ang mga sumuko naman na gumagamit at nagbebenta nito ay dapat ng tumigil sa masamang gawaing ito.

Ayon naman sa Hepe ng PNP ng nasabing bayan ay 16 na barangay na ang kanilang nalibot at napulong ukol sa kampanya nila sa pagsugpo sa ilegal na droga. Libu-libong residente naman ang dumalo at nakinabang sa kanilang proyekto.

 

Andy Orbe, Neil Castro, at Jayr Figueroa -EBC Correspondents, Angat, Bulacan

Related Post

This website uses cookies.