Drug Awareness Symposium inilunsad ng PNP Tagbina

TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Sa matinding kagustuhan ng Philippine National Police-Tagbina na maging Drug Free ang kanilang bayan, magkasunod na inilunsad ng PNP Tagbina ang isang Drug Awareness Symposium sa iba’t ibang barangay at eskwelahan ng Tagbina, Surigao del sur.

Unang pinuntahan ay ang Barangay ng Poblacion na kung saan isinabay nila sa Family Development Session ng mga benipisyo ng 4P’s (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ng DSWD.

Ang mga magulang ang una nilang hinikayat na makipagtulungan sa kanila at ipagbigay alam sa kanila kung may mga gumagamit o nagtutulak ng droga sa kanilang barangay. Sa ganitong paraan ay mas madali daw nilang masusugpo ang pagkalat ng iligal na droga.

Kasunod nito ay ang eskwelahan ng Sta. Maria Integrated School. Kasama sa nasabing symposium ang mga estudyante, faculty member at staff ng nasabing eskwelahan. Tinalakay dito ang RA 9165, ingredients of shabu, anatomy of crime at substance abuse prevention and control.

Pagkatapos ng lecture ay nagpalabas sila ng video cup patungkol pa rin sa iligal drugs. Nabigay din sila ng leaflets sa mga estudyante.

Ang ganitong kampanya ng PNP Tagbina ay nagpapatunay sa iba’t ibang barangay at eskwelahan sa kanilang nasasakupan.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Tagbina, Surigao del Sur