Drug lords sa liquidation plot vs Duterte, tukoy na

Philippines' president-elect Rodrigo Duterte gives a press conference in Davao City on June 2, 2016. Rodrigo Duterte warned journalists on June 2, 2016 he would be unable to guarantee their safety, brushing off criticism over his previous comments that murdered corrupt reporters deserved their fate. / AFP PHOTO / MANMAN DEJETO
Ito ay kuha noon June 2, 2016 sa press conference ni Philippines president-elect Rodrigo Duterte sa Davao City
/ AFP PHOTO /

(Eagle News) — Tukoy na raw ni incoming  Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa, ang mga ‘bigtime drug lords’ na nasa likod ng planong paglikida sa kanilang dalawa ni President-elect Rodrigo Duterte sa halagang P50 milyon.

Sinabi ni Dela Rosa, na kahit umano hindi magbanta ang mga sindikato ay mayroon na talaga silang inihandang aksyon laban sa mga ‘drug lords’ kaya wala umanong personalan ang inihahanda nilang operasyon para masugpo ang iligal na operasyon ng droga sa bansa.

Tiniyak naman ni Dela Rosa, na bibigyan nila ng ‘due process’ ang mga mahuhuling drug lords dahil may karapatan din naman daw ang mga ito tulad ng karapatang manahimik .

 

Eagle News Service.