SAN AGUSTIN, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng Coastal clean up ang mga miyembro ng Philippine National Police-San Agustin at Philippine Army kamakailan. Sumama din sa aktibidad ang drug surrenderees mula sa Barangay Poblacion, Oteiza, Kauswagan at Buhisan, San Agustin, Surigao del Sur.
Ang aktibidad na ito ay isa sa mga rehabilitation program ng San Agustin PNP para sa mga drug surrenderee. Katulong ng pulisya ang Municipal Peace and Order Council sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa paglulunsad ng mga ganitong aktibidad.
Nagtulong-tulong sila na alisin ang mga patay na dahon at bunga ng niyog na nagkalat sa dalampasigan. Inalis din nila ang iba pang mga basurang inanod ng alon tulad ng mga plastic.
Issay Daylisan – EBC Correspondent, San Agustin, Surigao del Sur