Drug surrenderees sa Camiling, Tarlac nakipagkaisa sa Brigada Eskwela

CAMILING, Tarlac (Eagle News) – Natawag ang pansin ang ilang mga guro at principal ng mga paaralan sa Camiling, Tarlac sa ginawang pagsanib pwersa ng mga drug surrenderee at mga tauhan ng Camiling Police V Station sa isinagawang Brigada Eskwela 2017.

Ang mga nasabing drug surenderee na nasa Bahay Pagbabago Reformation Center ay hinimok ni Police Chief Insp. Rustico Raposas, Hepe ng Camiling Philippine National Police kasama ang kaniyang mga tauhan na lumahok sa naturang programa.

Tumulong sila sa pag-aayos ng mga gusali ng paaralan, tulad ng pagpapalit ng yero ng bubungan, paglilinis at pagpipintura ng mga upuan. Nilinis din nila ang loob at labas ng paaralan. Ang iba pang mga aktibidad ay naisakatuparan dahil sa pagtutulung-tulong o bayanihan na ginampanan ng mga kapulisan at ng reformists.

Ang Brigada Eskwela ay programa Department of Education (DepEd) na  sa taong ito ay may temang “Isang DepEd, isang pamayanan, isang bayanihan para sa handa at ligtas na paaralan.” Isinagawa ito sa sa iba’t ibang dako ng bansa.

Ronald Pluma, Aser Bulanadi – EBC Correspondents

Related Post

This website uses cookies.