(Eagle News) — Naglabas na ng mga panuntunan o guidelines ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) ukol sa pagsasagawa ng drug tests sa mga guro, estudyante at empleyado ng paaralan.
Inilabas ang guidelines sa ilalim ng Drug Testing Program ng DepEd nitong July 31, 2017.
August 2 naman inisyu ng CHED ang Memorandum Order ukol sa drug testing bilang requirements sa pagtanggap at pananatili ng mga estudyante.
Nagkasundo ang DepEd at CHED na makakatulong ang Drug Testing Policy upang matiyak na ligtas sa ilegal na droga ang mga estudyante.
Iginiit ng dalawang ahensya ang masamang epekto ng ilegal na droga sa pamilya, trabaho at kaligtasan ng publiko.
“Drug abuse is a complex and multi-faceted psycho-social problem with far-reaching adverse effects,” Briones said.