(Eagle News) – Hindi katulad ng Oplan Tokhang ang gagawing drug testing ng Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral.
Ito ang malinaw na ipinahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones na kinausap ng mga mamamahayag.
Dagdag pa ng kalihim, kakaiba ang kanilang gagawing pagsasailalim sa drug test ng mga mag-aaral sa private at public schools.
Kapag nag-positibo ang isang estudyante ay kanila itong dadalhin sa social workers para sa counselling.
Nasa 60,000 mag-aaral ang inaasahang isasailalim sa random drug test ngayong darating na Setyembre.
Maging ang mga kawani ng paaralan ay isasailalim din.
Kung hindi papayag ang mga ito ay maaari silang kasuhan.
Layon ng naturang drug-testing na malaman kung gaano kalaganap ang paggamit ng iligal na droga sa mga paaralan.
https://www.youtube.com/watch?v=TWH6_vhTrsg&feature=youtu.be