Drug test sa mga lokal na empleyado ng San Francisco, Quezon, isinagawa

SAN FRANCISCO, Quezon (Eagle News) – Pinangunahan ni San Francisco Mayor Joselito Alega, Jr. ang drug testing sa mga empleyado ng Local  Government Unit (LGU) sa Bayan ng San Francisco, Quezon. Pagkatapos ng kanilang Flag Raising Ceremony ay agad nagtungo sa Municipal Building upang isagawa ang nasabing aktibidad.

May 135 empleyado ang boluntaryong nagpa-drug test. Naroon din sa nasabing aktibidad ang Field Officer ng Department of Interior and Local Government (DILG ) na si Waren Ratio at ang Officer In Charge, Chief of Police na si Police Senior Inspector Randy Buenaventura.

Nais ng mga nangunguna sa nasabing Bayang na makatulong sa kampanya ng ating Pamahalaan ukol sa Anti Illegal-Drugs at hindi anila exempted kahit ang mga nagsisilbi sa mga mamamayan sa kanilang Bayan. Inaasahan na sa mga susunod na araw ay lalabas na ang resulta ng isinagawa nilang Drug Testing.

Courtesy: Val Jabrica Delos Reyes, Jerbe Formanes, at Aloha Naron – San Francisco Quezon Correspondent

Related Post

This website uses cookies.