Drug tests para sa 20,000 estudyante at guro, isasagawa – DepEd

(Eagle News) — Naghahanda ang Department of Education para sa isasagawang drug test sa dalawampung libong estudyante at guro sa High School.

Ang drug tests ay isasagawa sa pakikipag-tulungan ng Department of Health para matukoy ang lawak ng problema sa droga sa mga paaralan.

Ito ang magiging base line ng DepEd upang makita ang bisa ng kanilang drug education campaign.

Lahat ng magpo-positibo sa test ay sasailalim sa assessment depende sa antas ng dependency at pagka-kalooban ng guidance counseling o rehabilitation.

Magbibigay rin ang DepEd ng tulong sa mga nangangailangan ng rehabilitation.

https://youtu.be/v4LiGTxENkk