Dry run para sa muling pagbubukas ng Boracay, itinakda sa Oct. 15

AddThis Website Tools

(Eagle News) — Magsasagawa ng dry run sa Oktubre 15 ang pamahalaan para sa muling pagbubukas ng Boracay.

Gagawin ito para makita ang iba pang pangangailangan ng isla, bago buksan sa mga turista sa October 26.
Sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, bagaman excited ang mga establisyemento sa Boracay, prayoridad ng pamahalaan ang environment side ng isla, kaya dapat nakakatugon ang mga ito sa requirement ng DENR.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tinataya namang nasa tatlo hanggang limang libong silid lamang ang bubuksan .

Mayroon ding curfew at limitado ang mga guest na tatanggapin sa isla.

Video

Related Post