Dry season sa bansa, opisyal nang idineklara ng PAGASA

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng dry season o panahon ng tag-init sa bansa.

Ayon sa PAGASA, tapos na ang amihan o ang northeast monsoon kung kaya asahan na ng publiko ang mas mainit pang temperatura sa mga susunod na araw.

Paliwanag ni PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano, na-obserbahan nila ang pagtaas sa temperatura sa maraming lugar sa bansa.

Humina rin aniya ang Siberian high pressure area at ang presensya ng North Western Pacific high pressure area.

Nagkaroon na rin ng pagbabago sa wind pattern mula sa Northeasterly na ngayon ay Easterly na.

Ang lahat anila ng mga ito ay sensyales na tapos na ang pag-iral ng amihan sa bansa.

Pero ayon sa PAGASA, makararanas pa rin ng isolated rain-showers at thunderstorms sa ilang lugar sa bansa lalo na sa hapon o gabi.

https://youtu.be/Cs3giQJhei0